Customer Testimonials•  Anthony Tuanqui SanchezNoong una, ayoko sanang gumamit ng Pilmico  dahil sa aking buong akala ay mataas ang magiging konsumo o cost to produce ng aking mga alagang baboy. Marami ang nagsasabi na maayos ang resulta ng mga baboy na ginamitan ng Pilmico. Kaya nagpasya kami na magkaroon ng “farm trial”. Nag-umpisa kami sa 8 kilong timbang na biik. Ang bawat estado o stage ng pakain ng mga biik o baboy ay tinitimbang upang malaman ang Average Daily Gain o ADG para malaman kung ilan ang dinadagdag sa timbang ng baboy sa kilo na pinapakain nito at ang FCR ay kung ilang kilo ng pakain o feeds ang kakailanganin para maabot ang minimithing timbang ng baboy. Dito maipapakita ang kalidad o quality ng produktong ginagamit.  Nagtagal ang farm trial ng Pilmico sa loob ng 99 araw. Mula sa pagkawalay ng biik na may timbang na 8 kilo hanggang sa 82 kilos na timbang ng baboy. Dito nila naipakita ang kalidad ng produktong Pilmico mula sa Pre-Startex hanggang Finex na mataas ang average daily gain at mababa ang feed conversion ratio. Para sa akin masasabi ko na ang Pilmico ay “High-End Quality Feeds”. Hanggang sa kasalukuyan ito pa rin ang ginagamit kong pakain sa aming mga alagang baboy. Malaki ang tulong na naibigay sa amin ng Pilmico. Naiangat nila ang timbang ng aming mga alaga sa loob ng maikling panahon. Dahil dito, nagkaroon na rin kami ng isang maliit na Agri-Vet Supply at Pilmico ang aming pangunahing produkto na ibinibigay sa aming mamimili para naman makatulong at maturuan namin ng tamang pag-aalaga at pagpapalaki ang mga-aalaga ng baboy sa mababa at murang konsumo ng pakain at mataas na timbang ng baboy  sa loob ng maikling panahon ng pag-aalaga.  -Anthony Tuanqui Sanchez     Farm Owner/Manager  •  Mrs. Thelma U. OrtezaSan Pablo, Isabela  Ako po si Mrs. Thelma U. Orteza, nakatira sa Binguang, San Pablo, Isabela. Isa akong asawa ng government employee at may dalawang anak. Nag-aalaga ako ng baboy dahil gusto ko lang makatulong sa aking asawa. Nag-umpisa akong nag-alaga ng baboy noong 1 year old na po ang bunso kong anak, ngayon po ay 16 yrs. old na siya. So more than 10 years na po akong nag aalaga ng baboy. Dati ibang produkto ang nasubukan kong pakain pero ang lahat ng iyon ipagpapalit ko na ngayong nasubukan ko na ang PILMICO. Bago ako gumamit ng PILMICO, pinuntahan ako ni Sir Reggie yung APS sa lugar namin at yun kinausap ako. Una, tiningnan niya yung kulungan at dating baboy ko tapos madami siyang sinabing suggestions para mas maging maganda yung kulungan ng baboy ko. Tapos, nag-compute siya sa akin ng diperensya ng dati kong gamit na feeds at PILMICO. Kinompute niya kung saan ako mas makakatipid. Ang laki pala talaga ng ikakatipid ko kapag PILMICO. Sabi nga niya utangin ko daw ang dati e kung hindi naman pala ako kumikita kaya lalo pala akong nababaon sa utang. Kasi nga bakit ba lagi na lang akong umuutang sa dati, ibig sabihin nun hindi ako kumikita. Samantalang dito sa PILMICO hindi ako namomroblema sa capital kasi ang bilis ng balik at doble agad ang kita mo. Hindi mo kailangan mangutang talaga kasi kumikita ka na. Ang masasabi ko po sa PILMICO maganda talaga kaya mas masaya po ako nag aalaga ng baboy ngayon at saka may mabait, masipag at maaasahan na technician nila. Di ka matatakot na mag alaga ng baboy dahil andyan lagi ang technician nila na very supportive, kung anuman ang problema mo sa mga alaga mong baboy andyan siya anytime.   Kaya halina kayo sa PILMICO na tayo.  I LOVE PILMICO!Thelma U. Orteza                                                                                                                                                                                                        •  Elicia DanoDavao del SurNumber of Year using Pilmico: 6 years  Ako si Elecia C. Dano, kasalukuyang naninirahan sa Digos City, Davao del Sur at mayroon akong dalawang inahin at 16 patabain. Sa loob ng labinlimang taon na nag-aalaga ng baboy at sa dami ng mga pakain na nasubukan kong ibigay sa aking mga alaga, dito lang ako sa Pilmico nasiyahan. Sa loob ng anim na taon kung saan Pilmico ang pakain sa aking mga alaga, hindi ako muling nagkaroon ng problema sa aking mga baboy lalung-lalo na ang pagtatae na naging problema noong iba pa ang pakain na gamit ko. Sa pagpapakain ko ng Sprinter, Pre-Startex 1 and 2 napakaganda ng paglaki ng aking mga biik.  Noong ako’y hindi pa gumagamit ng Pilmico, mabagal ang benta ko kasi mabagal din ang paglaki ng aking mga alaga. Pero nang gumamit na ako ng Pilmico Growex 1 and 2 hanggang Finex, naibebenta ko na ang aking mga baboy sa loob lamang nang hindi hihigit sa tatlo at kalahating buwan.  Gustong-gusto ng mga parokyano ko ang aking mga baboy na kanilang binibili dahil sa manipis ang kanyang taba, makapal ang laman at ito ay mabigat. Sa katunayan nga, binabalik-balikan pa nila ako dahil sila ay kontento at nasisiyahan.  Masayang-masaya kami ng aking asawa dahil malaki ang aming naging kita at malaki ang naitulong sa aming pamumuhay at ito ay dahil sa Pilmico.  Salamat Pilmico!Elecia C. Dano      •  Romwel Badilla (Wilbad's Farm)Tanjay, Negros OrientalAge: 37 years oldHog Population: 50 sow levelNumber of Years using Pilmico - 2 years  Ako si Wilbads, nanirahan sa Azagra, Tanjay, Negros Oriental. Aking sinimulan ang piggery sa may dalawampung na baboy lamang, mula noon ay Pilmico na ang gamit ko.   Nakita ko na maganda ang performance at ako ay masaya sa naging paglaki ng aking mga baboy. Ang aking mga biik ay malalaki at malulusog. Ngayon, ang aking piggery ay lumaki na at nasa 50 sow level na. Basta Pilmico nasa mabuti kang kamay.  Romwel Badilla     •  Rosemarie Luces42 years oldCalbayog City2 Years Pilmico User  Sa loob 25 na taon ko na pag-aalaga ng baboy, nasubukan ko na halos lahat ng klase sa pakain sa baboy. Mula sa mumurahin hanggang sa mga mahal na pakain. Akala ko, yung pinakahuli kong ginamit ay iyon na ang pinakamaganda, ngunit hindi pa pala at napatunayan ko yan ng gumamit ako ng Pimico.  Mula ng paggamit ko ng Pilmico feeds, hindi ko na problema ang pagtatae ng mga bagong walay ko na biik na parati kong problema nung iba pa ang gamit ko na feeds. Malulusog ang mga baboy ko ngayon at hindi sakitin at higit sa lahat na pakabilis ng kanilang paglaki sa loob lamang ng kaunting panahon sa konting pakain lang.  Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Pilmico feeds, salamat din sa mga Animal Production Specialist na lagi akong handang tulungan pag may problema ang aking mga baboy.  Lubos na nagpapasalamat,  Rosemarie Luces    •  Maria GelacioCamiling, Tarlac  Ako si Maria Gelacio ng Barangay Telbang, Camiling, Tarlac. Sa loob ng mahigit walong taon ko ng nag-aalaga ng baboy, iisa pa lang ang aking naging katuwang na subok na at tiyak na mapagkakatiwalaan, ito ay ang PILMICO ANIMAL NUTRITION.  Ang kanilang ELITE HOG LINE ang nagbigay sa akin ng katuparan upang umunlad ang aking babuyan. Sa pagsunod sa tamang pamamaraan ng pagpapakain, tiyak ko na malulusog at mabibigat ang aking mga alagang baboy. Mula sa Pre-Startex at Startex ang kalusugan nila ay sapat. Sa paglipat sa growex 1, ang mga baboy ay kitang-kita mo naman ang bilis ng paglaki. Hindi man lang nila maranasan ang pagtatae dahil sa transisyon ng mga pagkain gaya ng Pre-Startex, Startex hanggang Growex. Kaya hindi ka na aabot higit pa sa apat na buwang pag-aalaga, bentahan na agad.  Sa mga bumibili ng aking mga alagang baboy, iisa rin ang kanilang sinasabi, ang kalidad ng karne ay maganda. Ito ay mapupula at siksik sa laman at hindi sa taba dahil sa Finex. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mag-Pilmico na rin para mas malaki ang kikitain ninyo. Bilis bigat, pera agad!